Star Magic artists, hinikayat ang publiko na magparehistro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Star Magic artists, hinikayat ang publiko na magparehistro

Star Magic artists, hinikayat ang publiko na magparehistro

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 12, 2021 12:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Nagsama-sama ang ilang miyembro ng Star Magic para hikayatin ang publiko na magparehistro para makaboto sa Halalan 2022.

Sa video na inilabas ng Star Magic nitong Lunes, nagsama-sama sina Nikki Valdez, Jameson Blake, Charlie Dizon at DJ Jhai Ho para ibahagi ang halaga ng pagpaparehistro.

Kasama rin sa nanghikayat sina Francine Diaz, Kylie Echarri at iba pang Star Magic artists.

"Dapat kayong magrehistro para sa darating na 2022 elections. You should register to vote in 2022 elections. Dahil karapatan at obligasyon natin 'yon bilang mamamayang Pilipino na pumili ng nararapat para sa ating bayan. Dahil ang bawat boto po ng mamayang Pilipino ay mahalaga," anila

ADVERTISEMENT

"Nasa kamay nating lahat ang kinabukasan ng Pilipinas. It's about time we do our part to improve the betterment of the Filipino. Tayo lang ang may kapangyarihan para iboto ang mga susunod na lider
na may malasakit sa ating kinabakusan at sa ating bayan. Para ito sa kapakanan ng ating pamilya. This is our way of exercising our rights as Filipinos. Ito na po ang tamang oras. Karapatan mo ito bilang isang mamayang Pilipino. This is the best way to push for a change in governance. Let's do our part. Our future is in your hand. Your vote can make a big change. We should use our vote," dagdag pa ng iba't ibang bituin ng Star Magic.

"Dahil ang boto niyo ang pag-asa ng bayan. Para po ito sa kinabukasan nating lahat. Mag-ingat po kayo lagi ang don't forget to use your vote," pagtatapos naman nina Diaz at Echarri.

Maraming Star Magic artists ang nakikiisa sa voter registration campaign para mahikayat ang mas marami pang kabataan na magparehistro at bumoto para sa Halalan 2022.

Layon ng kampanya na maipaliwanag sa kabataan ang halaga ng pagpaparehistro para sa nalalapit na eleksiyon.

Marami na ring Star Magic artists ang rehistrado na handa na para bumoto sa susunod na halalan.

ADVERTISEMENT

Matatandaang noong Agosto ay nakiisa ang mga buitin na sina Robi Domingo, Ria Atayde, Donny Pangilinan, Dominic Ochoa, Edward Barber, Heaven Peralejo at iba pa sa isinagawang #HALALAN2022: Andito Kami Para Sa 'Yo voters' registration campaign na inorganisa ng Star Magic, ABS-CBN News, Bayan Mo I-Patrol Mo at Commission on Elections.

Layon nito na ipaliwanag at hikayatin ang mga kabataan na magparehistro para sa nalalapit na halalan.

Para sa mga nais magparehistro ay may pagkakataon pa dahil extended ang voter registration sa Comelec mula sa Oktubre 11 hanggang 30, Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.


Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.