Pinoy bets ng 'X Factor UK,' nagpasiklab sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2018 01:45 PM | Updated as of Oct 12 2018 01:57 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagpakitang-gilas sa pagbirit ang mga "X Factor UK" contestant na sina Maria Laroco at Sephy Francisco sa pagbisita nila sa "It's Showtime" nitong Biyernes. 

Para sa mga manonood, inawit ni Sephy ang kanyang bersiyon ng "Never Enough," samantalang ibinirit ni Maria ang "Queen of the Night." 

Kuwento ni Maria, hindi pa rin siya makapaniwala na nagkaroon siya ng pagkakataong makasali sa "X Factor UK." 

"Until now, I'm in disbelief po na I got the chance to perform sa international TV at, of course, in front of Simon Cowell," ani Maria, na sumali noon sa "The Voice Kids Philippines."

Nagpasalamat naman si Sephy sa programa ng Kapamilya network na "I Can See Your Voice" dahil dito siya nagsimulang makilala.

"Nagpapasalamat po ako sa 'I Can See Your Voice' kasi doon po ako nagsimula," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.