Bandang True Faith, may concert at bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2018 12:41 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Maliban sa kanilang anniversary concert, isang bagong awitin din ang inilabas ng bandang True Faith.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ng bokalista ng grupo na si Medwin Marfil na magaganap ang "Far From Perfect: True Faith’s Senti 25, The Silver Anniversary Show” sa Music Museum ngayong Oktubre 25.

May bago ring single ang grupo na may pamagat na "Kahit Na."
 
"'Kahit Na,' it's from the latest album, our tenth album, it's called 'True Faith Sentimental.' 'Yung iba new songs, then nandoon pa rin ang flavor ng True Faith at mas maraming masayang songs na puwedeng sayawin," ani Medwin.

Ang True Faith ang nagpasikat sa mga awiting tulad ng "Perfect," "Huwag Na Lang Kaya," at "Dahil Ikaw."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.