Awiting 'Pagka't Nariyan Ka,' alay para sa naapektuhan ng bagyong Yolanda

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2018 04:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagsanib-puwersa ang Star Music at ABS-CBN Sagip Kapamilya para sa bagong kanta na “Pagka't Nariyan Ka” na awit ni Sam Mangubat.

Binuo ang kanta para alalahanin ang pagbangon ng mga Pilipino sa hagupit ng bagyong Yolanda. 

Sa pirmahan, present ang executives ng Star Music at New Media.

Present din ang songwriters na sina Katrina Belamide at Zion Aquino.

Kasama rin sa event ang executives ng ABS-CBN Foundation. 
 
“Kami ni Zion, we’re pleasantly surprised that a song that had a different purpose originally can transcend that kind of purpose and be use for something that will inspire people,” ani Katrina.

Lubos ang pasasalamat ni Sam na pinili ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ang kanyang awitin.

“Sa isang mahabang linya ng mga taon ng Lingkod Kapamilya, it's actually older than me. Kasama ako roon sa tuldok ng taon, sana ay mas marami pang taon na mapabilang ako sa inyo, isa po iyong blessing sa akin,” ani Sam.

Looking forward si Sam na i-perform ang kanyang awitin sa iba't ibang events ng Sagip Kapamilya at magbigay ng positibong pananaw sa mga naapektuhan ng kalamidad.