PatrolPH

Melai, may mensahe para sa kaarawan ng mister na si Jason

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2021 12:00 PM | Updated as of Oct 11 2021 01:25 PM

MAYNILA -- Ibinahagi ng komedyante at host na si Melai Cantiveros ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang mister na si Jason Francisco.

Sa Instagram nitong Lunes, sa mismong kaarawan ni Francisco, ibinahagi ni Melai ang kanyang pagbati sa kabiyak.

Iginiit din ni Cantiveros ang pagmamahal sa mister at ang hiling nito para sa espesyal na araw ng aktor.

Ngayon Disyembre ay ipagdiriwang nina Cantiveros at Francisco ang kanilang ika-8 anibersaryo bilang mag-asawa.

Matatandaang Oktubre 2009 nang magkasama sina Jason at Melai sa "Pinoy Big Brother: Double Up."

Doon sa loob ng Bahay ni Kuya nabuo ang pag-iibigan at tambalan nina Melai at Jason na binansagan ng kanilang mga tagahanga na "Melason."

Ikinasal sila noong Disyembre 2013 at sa ngayon ay dalawa na ang anak nila.

Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.