PANOORIN: Eksena nina Ejay, Lauren sa 'Where Stars Land'

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 05:02 PM

Ipinamalas nina Ejay Falcon at Lauren Young ang kanilang galing sa pag-arte nang lumabas kamakailan sa South Korean drama na "Where Stars Land."

Pinasilip ng streaming platform na Viu Philippines sa isang Facebook video ang isang eksena nina Falcon at Young sa ikapitong episode ng "Where Stars Land," na sinusundan ang buhay ng mga empleyado ng Incheon International Airport sa Korea.

Ginampan ni Falcon ang papel ng isang lalaking na-deny ang entry sa Korea habang nanganganak doon ang kaniyang misis, na ginampanan naman ni Young.

Sa eksenang pinost ng Viu Philippines, mapapanood ang panganganak ng karakter ni Young at ang pagtuklas ng mga awtoridad ng paliparan na walang entry permit ang karakter ni Falcon.

 

Sa naunang panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Falcon na nagpapasalamat siya sa pagkakataong makapag-guest sa isang Korean drama.

Bida sa "Where Stars Land" sina Lee Je-hoon, na lumabas sa romance film na "Architecture 101," at Chae Soo-bin, na bumida sa K-drama na "I Am Not A Robot."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.