Angeline Quinto, may paglilinaw sa kanila ni Erik Santos

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 03:35 PM

MAYNILA -- Kasabay ng pagdiriwang ni Erik Santos ng kanyang kaarawan nitong Oktubre 10, isang pagbati rin ang kanyang natanggap mula sa kapwa-singer na si Angeline Quinto.

Matatandaan na pilit noon na inuugnay sina Erik and Angeline dahil sa pagiging malapit nilang dalawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

Sa Instagram post ni Angeline para kay Erik, tila naging malinaw na hindi sila nagkaroon ng opisyal na relasyon.

"Maraming maraming salamat pogs sa lahat, ang dami narin natin napagdaanan, may nakakatawa, nakakaiyak, nakakapikon, nakakahiya, lahat lahat na, pero hanggang ngayon magkasama pa rin tayo. Hindi nga lang official na naging tayo, pero bilang magkaibigan," bungad ni Angeline sa Instagram post para kay Erik.

"Alam natin na mahal natin ang isa’t isa. Habang buhay 'yan, Erik. Sa pamilya mo na tinanggap din ako na parang kapamilya niyo, Thank you. Si Mama Bob na gustong gusto ka at mahal na mahal ka," patuloy pa ng singer.

Sa huli tanging pasasalamat ang ipinaabot ni Angeline para kay Erik sa pagiging mabuti nitong kaibigan sa kanya at sa kanyang Mama Bob.

"Sana pogs mas marami pa tayong kantang magawa, mas maraming trabaho pa tayo na pagsamahan, mas maraming pangarap na pareho nating maabot pa. God bless you pogs. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa kin at kay Mama Bob," pahayag pa ni Angeline sa post.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.