Tagal, pagbabago sa showbiz idinahilan ni Sharon sa napipintong pag-retiro

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 07:25 PM | Updated as of Oct 10 2019 08:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Dati nang nabanggit ng "Megastar" na si Sharon Cuneta na may plano siyang mag-semi-retire sa showbiz. 

At sa press conference ng nalalapit nilang "ICONIC" concert ni Regine Velasquez-Alcasid, ibinahagi ni Cuneta ang ilan sa mga dahilan para rito. 

Isa raw sa dahilan ang tagal sa showbiz ni Cuneta, na 41 taon nang nasa industriya. 

''[I've been working for] 41 years, I've been working since I was 12. I am tired," ani Cuneta, na itinuring ang pagtatanghal na isa sa kaniyang mga farewell concert. 

Dagdag pa ng Megastar, "iba na" ang takbo ng showbiz ngayon. 

Idinahilan din ni Cuneta ang umano'y kakulangan ng loyalty at tunay na mga kaibigan sa larangan ng showbiz kasabay ng pagbabago nito. 

"Iba na ang meaning ng loyalty, iba na ang meaning ng friendship, iba na ang meaning ng maraming bagay. Ang dami-dami nang nagbago sa kinalakihan ko na pag may premiere parang Pasko, nafi-feel mo sa air," ani Cuneta. 

"Pero ngayon ang dami-dami nang tao na hindi ka kilala o hindi mo kilala so kasama na dun yung disappointment na it's not the same," dagdag niya. 

Magsasama ang dalawang batikang mang-aawit sa kanilang two-night concert na pinamagatang "Iconic" na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Oktubre 18 at 19.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.