Sarah Geronimo, iginiit na walang dahilan para maging diva

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 11:24 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi pa-diva sa set si Sarah Geronimo, ayon kay Ara Mina na co-star niya sa pelikulang "Unforgettable."

Kuwento ni Sarah, ikinatuwa niya ang papuring ito dahil wala naman daw siyang rason para magpaka-diva.

Kung may mga bagay na hindi komportableng gawin sa set, kailangan lang maging open at honest, aniya. Sabihin din in a polite way ang opinyon, dagdag pa ni Sarah.

Mapapanood na sa mga sinehan ang "Unforgettable" simula sa Oktubre 23.

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 10, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.