Regine Velasquez, nakararanas pa rin ng diskriminasyon sa mga high-end shop

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 07:41 PM

MAYNILA—Naging sentro muli ng usapan ang naranasang diskriminasyon noon ni Regine Velasquez sa isang designer-brand shop sa New York.

Kasunod ito ng kaniyang unang YouTube vlog kung saan ibinahagi niya ang bawat kuwento ng kaniyang koleksyon ng mamahaling mga bag at mga sapatos.

Sa panayam kay Velasquez nitong Huwebes sa "Iconic" media conference kasama si Megastar Sharon Cuneta, inamin ng Kapamilya singer na nararanansan pa rin niya ang parehong karasanasan noon.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Actually, na-experience ko pa rin 'yan ngayon. Kasi 'pag nag sa-shopping ako, hindi rin naman ako naka ayos, so madi-discriminate ka talaga. Kung in my case kung mukha kang basura, na mukha kang cannot afford," sabi ni Velasquez.

Ayon sa singer, tulad ng maraming ordinaryong tao, mas pinipili pa rin daw niya na maging simple sa nagsa-shopping.

"Kasi tinatamad naman ako mag-ayos , alam mo 'yun. I just want to be myself, with my jeans," paliwanag niya.

Ani Velasquez, dumating din sa puntong derechong panlalait na ang kaniyang naranasan habang namimili sa mga designer-brands shop sa abroad.

"Pero, alam mo, that was not the first time," kuwento ni Velasquez.

"Mayroon akong mas malala na titingnan ako mula ulo hanggang paa and sasabihin sa akin, 'I don't think you can afford it'. Oo, ganu'n, but that's not here, but I don't mind."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.