Online video channel ni Alex Gonzaga, sinalakay ng hackers

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 11:41 AM | Updated as of Oct 10 2019 11:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sinalakay ng hackers ang online video channel account ni Alex Gonzaga.

Todo-bantay si Alex sa kanyang Youtube account dahil sinusubukan ng hacker na kunin ang kanyang ads.

Nagpapasalamat naman si Alex sa mga nagtatanong kung maayos na ang kanyang account.

Naibalik na ni Alex ang kanyang profile picture na isa sa mga pinasok ng hacker.

May higit 4 million subscribers na si Alex sa kanyang online video channel at milyun-milyon din ang views sa kanyang mga vlog.

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 10, 2019