KZ Tandingan, leading lady na sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 04:18 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone) on

MAYNILA -- Magkahalong emosyon ngayon ang nararamadaman ng singer na si KZ Tandingan na bibida sa kanyang unang pelikula bilang leading lady kasama ni Epi Quizon sa "The Art of Ligaw."

Kuwento ng singer, pinag-isipan niyang mabuti kung tatanggapin ang bagong hamon na ito sa kanyang karera.

"Noong una ko pong nalaman, na-overwhelm ako. Kasi, singer naman talaga ako e. Sa 7 years ko dito sa industriya, singer ako. So noong sinasbihan po nila na aarte ako, sobrang nalula ako," tugon ni KZ sa panayam ng press.

"Pero I always tell myself na you'll never grow in your comfort zone. So noong sinabi nila sa akin na I was given this opportunity, to be part of this movie, tumalon ako sa bangin knowing na andon sila to guide me. Talagang inalalayan ako, hindi ako pinabayaan sa project."

Dahil baguhan sa larangan ng pag-arte, inamin ni KZ na marami siyang bagong natutunan sa kanyang pagsabak sa pelikula.

"Sobrang nurturing ng lahat ng experience for me. Ang dami ko pong natutunan at ang dami ko po na-realize na pwede ko pa palang gawin," aniya.

 

Ang leading man niya na si Epi Quizon, humanga rin sa husay ni KZ.

"Actually bago siya dumating, nagulat rin ako. Marunong pala siya," bungad ni Epi.

Paghahalintulad pa ng character actor: "She reminds me of Ate Guy [Nora Aunor]. Oo, alam natin iba si Ate Guy. KZ is small, petite, Pinay na Pinay, expressive eyes, kumakanta rin, nagsimulang kumakanta, tapos noong pinaarte namin. Nagulat talaga ako," dagdag pa ng aktor.

Dahil sa positibong pagganap ni KZ sa kanyang karakter, umaasa ang singer na magbukas ito ng panibagong oportunidad sa kanya bilang isang ganap na aktres.

Mapapanood ang "The Art of Ligaw" sa darating na Nobyembre 13, sa direksyon ni Jourdan Sebastian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.