Elisse Joson, sinabing 'tropa' lang sila ni Jameson Blake

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 01:29 PM


MANILA -- "Ngayon tropa kami talaga." Ito ang sagot ni Elisse Joson sa tanong kung ano na ang estado ng relasyon nila ng aktor na si Jameson Blake.

Sa panayam kay Elisse para sa Hotspot na inilabas nitong Miyerkoles, nagsalita si Elisse tungkol sa kung ano ang mayroon sila ni Jameson sa naging pagsabak niya sa 'Jojowain o Totropahin' challenge.

"Kasi naman dati, lumalabas kami, oo. Hindi naman namin napag-usapan na dating or what. Pero totoo naman na parang nagparamdam siya noon," ani Elisse.

Nang matanong kung hindi na ngayon nagpaparamdam si Jameson, sagot ng aktres: "Ngayon kasi, parang friends talaga kami."

"'Pag kasi nakikita niyo together hindi naman ibig sabihin no'n mayroong something," dagdag ni Elisse.

Sa ngayon ay parte si Elisse ng seryeng "Sandugo." Bibida rin siya sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado kasama ang aktor na si Richard Gutierrez.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.