Rosanna Roces, napatawad na si Bong Revilla

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 09:05 PM

MAYNILA — Kapatawaran ang naging tema ng usapan sa naging panayam ng entertainment press sa beteranang aktres na si Rosanna Rocess.

Matatandaan na isa sa mga maraming nakaalitan noon ni Osang ang actor-politician na si Ramon "Bong" Revilla Jr.

Ayon sa aktres, hangad niya na makalaya na si Revilla sa kulungan.

“Actually nakakarating sa akin (ang mga update) pero siguro tama lang na lumabas na si Senator Bong. Nagdusa na din naman ‘yung tao ng ilang taon. Si Jinggoy naka labas na. It’s about time,” ani Osang sa media conference ng “Los Bastardos.”

Kuwento pa ng aktres, dala ng kanyang edad ngayon ramdam na niya ang malaking pagbabagong pananaw sa kanyang buhay.

“Since nagkaka-edad ka, naiisip mo na mali pala ‘yung ginawa ko dati, pero siyempre 'yun ang tama sa ’yo noon, lahat kaaway mo. Pero 'pag nagkaka-edad ka na pala talaga, nagme-mellow ka sa ayaw at sa gusto mo,” ani pa niya.

Paliwanag ni Osang, isa sa malaking dahilan ng kanyang pagbabago ang apo na si Gabriel Revilla na anak nina Jolo Revilla at ng kanyang anak na si Grace Adriano.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 13th Bday sa Pinakamamahal kong apo. Enjoy your day Gab ! Love you no end

A post shared by Rosanna Roces (@iamrosannaroces) on

“Yung pagkawala sa akin ni Gab, pero tignan mo, kasundo ko na ngayon si Jolo,” ani Osang.

“Siguro nabigla lang ako noon, pero ngayon 'pag kinukuha naman sa ’kin ni Grace, sa akin naman dumidirecho ‘yun. At saka alam mo kahit paa ko hinahalikan ng batang ‘yun,” pagmamalaki ng aktres.

Aniya, masaya siya ngayon sa kanyang simpleng buhay kasama ang kanyang mga apo.

“E kasi 'pag nakita mo naman na maayos ang palaki sa apo mo, nag-aaral ng mabuti e okay na sa akin ‘yun. 'Yun lang naman hiniling ko kay Bong noon ang paaralin ang apo ko sa magandang paaralan,” pahayag pa ng aktres.

Sa darating na Oktubre 15, mapapanuod na si Osang sa “Los Bastardos” sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.