Nadine, nagkuwento sa naranasang depresyon, yumaong kapatid

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 05:01 PM | Updated as of Oct 10 2018 08:29 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Isang taon mula nang pumanaw ang kaniyang nakababatang kapatid, nagkuwento ang aktres na si Nadine Lustre ukol sa naransang depresyong dulot ng insidente.

Ayon kay Lustre, sa pagbahagi ng karanasan, hangad niyang maging mas bukas ang publiko na pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa mental health. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Lustre sa isang event para sa mental health awareness noong Martes, inamin ni Lustre na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniya ang pagkawala ng kapatid.

"I remember that incident like it was yesterday, which is so weird but it's actually been a year already," sabi ni Lustre.

Namatay ang kapatid ni Lustre sa loob ng kanilang bahay noong Oktubre ng nakaraang taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Pero hindi raw iyon ang unang beses na na-depress si Lustre.

Kuwento niya, nagsimula ito noong siya ay 13 anyos at mas lumala pa noong pumasok siya sa industriya ng show business.

"Being in the showbiz industry and being an actor, minsan nawawala ka na sa sarili mo... kasi you're always someone else, when you're shooting you have to portray this character," paliwanag ni Lustre.

Pero ayon kay Lustre, kinakaya niya ang depresyon sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kaniya, kabilang ang katambal na si James Reid.

"I have a good support system, I have all my friends, my family and, of course, I have James also," ani Lustre.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Tinuruan daw ni Reid si Lustre na maging bukas sa iba ukol sa kaniyang depresyon, na nais ibahagi ni Lustre sa ibang may pinagdadaanan.

"He was telling me na it's okay to show vulnerability, to show everyone that you're sad, it's normal. It's not something to be ashamed of. That was actually the first advice that I got from him," ani Lustre.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Dagdag pa ni Lustre, kampante siyang nasa mabuting kalagayan na ang kapatid.

"I know that my brother is in a better place, I know that wherever he is, there's no pain, there's no suffering, no sadness. He's just in peace," aniya.-- May ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News​

Para sa mga nakararanas ng emotional crisis at nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 Hopeline sa mga numerong:
(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.