PatrolPH

Gerald Anderson, sasabak sa aksyon sa bagong proyekto

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2018 05:03 PM

MAYNILA -- Labis na pananabik ang nararamdaman ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson para sa nalalapit na pagsalang niya sa maaksyon na eksena sa bagong teleserye na "Take Life."

Sa bagong proyekto ni Anderson sa telebisyon, iikot ang kuwento sa buhay ng isang sundalo.

"Start na kami ng training and alam naman ng marami na medyo malapit sa puso ko ang military. Excited ako and alam ko po ang pinagdadaanan nila, mga kuwento nila, mga pinagdadaanan ng pamilya nila na, dito po nila mapapanood sa 'Take Life'," pahayag ni Gerald sa panayam ng ABS-CBN News.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

"Mas lalo akong nae-excite at nai-inspire kasi nung nag-shoot kami, sabi ko sa sarili ko, 'parang maganda 'to ah.' Hindi pa kami kasama noon sa military scenes, wala pa kaming nakukuhahanan na military scenes," ani Gerald.

Nilinaw din ni Gerald na malaki ang pagkakaiba ng "Take Life" sa "Tayong Dalawa" na kanyang pinagbidahan noon kasama sina Jake Cuenca at Coco Martin.

"Iba 'yung 'Tayong Dalawa' na hanggang ngayon hindi pa rin makakalimutan 'yun, lalo na ang mga military, dahil marami po ang sumali sa military dahil sa show na 'yun. Sana itong 'Take Life' magkaroon kami ng ganong effect sa tao pero story-wise, magkaiba siya. Lalo na na mas focus ito sa sundalo, kung ano ang mga pinagdadaaanan nila," pahayag pa ni Gerald.

Sa ngayon, wala pang sinabing detalye ang aktor kung kailan mapapanood sa Kapamilya network ang kanilang programa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.