PatrolPH

Para kay Maja Salvador, lucky charm niya ang nobyong si Rambo Nunez

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 12:53 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

MAYNILA -- Bitbit ang nakuhang karangalan, nagbalik Pilipinas na ang Kapamilya star si Maja Salvador na tumanggap ng best actress award sa naganap na 2019 Asia Contents Awards sa Busan, South Korea.

Ayon kay Maja, hindi niya inasahan na mapapansin ng international audience ang kanyang naging pagganap bilang Lily Cruz at Ivy Aguas sa hit Kapamilya series na "Wildflower."

"Sobrang laki po nito. In every project naman po na binibigay sa akin ng ABS-CBN, binibigay naman natin ang very best natin. Ako very proud ako sa lahat ng teleserye na ginawa ko, sa lahat ng project na ginawa ko, but, 'yung 'Wildflower,' something new na binigay ng ABS-CBN," bungad ng aktres sa panayam nitong Miyerkoles.

"Ang laki po talaga nang naitulong ng 'Wildflower' sa career ko, and, of course, I'm very thankful to ABS-CBN, to RSB [Ruel S. Bayani] Unit."

Kasabay ng kanyang tinanggap na award, nakasalamuha rin ng Kapamilya actress ang ilang mga Asian superstar na napapanood lamang niya noon.

"Ang ingay ko nga nung nakita ko 'yung isa sa mga bida ng 'Kingdom,' 'yung sa Netflix. Sila direk rin natuwa dahil nakita nila 'yung bida sa 'Naked Director.' Basta marami po kaya mas gulat na gulat ako hindi ko in-expect na makakabingwit po tayo ng isang best actress na ganung kalaki," ani Maja.

Bukod sa sunod-sunod na trabaho, isa rin sa pinasalamatan ni Maja ang kanyang itinuturing na lucky charm -- ang nobyo na si Rambo Nunez

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

"Sabi ko nga ang swerte ko dahil ibang magbigay ng time ang boyfriend ko. Kitang-kita niyo naman po siguro parang itong time lang na ito ngayon lang ako naging very open about my love life kasi I'm really, really happy right now," pahayag pa ni Maja.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Maja sa "The Killer Bride" bilang si Camila Dela Torre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.