Maymay at Edward, namangha sa northern lights

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 12:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Napanood nina Maymay Entrata at Edward Barber ang northern lights habang nasa Norway.

Sa Instagram, ibinahagi nina Maymay at Edward ang kani-kanilang retrato habang ini-enjoy ang aurora borealis.

Ayon kay Edwad, na-check na niya ang isa ng nasa bucket list niya. At komento pa niya sa retrato ni Maymay, humiga pa siya para makuha ang shot.
 
Nagtungo sa Norway sina Maymay at Edward para sa Kapamilya Fiesta World 2019 kung saan kasama nila sina Piolo Pascual, Enchong Dee, Pooh at Bea Alonzo.

-- Umagang Kay Ganda, Oktubre 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.