Kathryn at Daniel, magkasamang namasyal sa Paris

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 12:25 PM

MANILA -- Bago tuluyang umuwi sa Pilipinas mula sa kanilang dalawang linggong bakasyon sa Iceland, nakabisita pa ang magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Paris.

Pagbabahagi ni Kathryn sa Instagram, nagkaroon sila ni Daniel ng walong oras na layover sa tinaguriang City of Lights kaya pumunta na sila sa Eiffel Tower ng magkasama.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Took advantage of an 8-hour layover in the City of Lights to finally see the Eiffel Tower TOGETHER. 🖇

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Matatandaang nauna nang nagtungo si Kathryn sa Paris kasama ang kanyang pamilya para ipagdiwang ang kanyang ika-18 kaarawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.