Jaya, sinariwa ang alalaala ng inang si Elizabeth Ramsey

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 07:59 PM

MAYNILA -- Muling sinariwa ng singer na si Jaya ang alaala ng yumaong ina na si Elizabeth Ramsey. 

Oktubre 2015 nang namayapa si Ramsay, na tinaguriang "Queen of Rock and Roll" ng bansa, habang ito'y mahibing na natutulog.

Sa isang mahabang Instagram post, binalikan ng singer ang ilang habilin ng ina na kanyang tinupad ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaya (@jaya) on

"Four years had passed, pero I still miss you. Dami kasi nating mga kalokohan at katuwaang ginagawa noon na tayo lang nagkakaintindihan. 'Yung mga niluluto mo, na alam mong paborito ko, 'yung pata na may beans, dinuguan, lahat na-miss ko talaga," bahagi ng post ni Jaya.

Ayon pa sa singer, sinunod rin niya ang ilan sa mga naging aral at payo ng kanyang ina pagdating sa buhay pamilya.

"Dami na rin nabago sa buhay ko, malalaki na mga apo mo, at salamat sa Diyos kami pa rin ng asawa ko, buo ang aming pamilya. 'Yan ang lagi mong sinasabi sa akin. Dapat buo ang pamilya ko para 'di ako mag-isa. So 'yan Ma, I listened to you."

At sa pagdaan ng panahon, inamin ni Jaya na mas lalo niyang nami-miss ang punanaw na ina.

"I remember you when good things happen to me, and when I feel low, you always know what to say to make me feel better... Ganyan ka rin sa ibang tao kaya nami-miss ka rin nila. Lalo na 'pag may gig ako na may mga lolo at lola -- nandun pala sila para makita ako, mag-reminisce at masabi sa akin na mahal ka nila at I remind them of you. 

"Kahit man lang masabi nila 'yun masaya na raw sila. Siyempre naiiyak ako pero nagpipigil para 'di sila ma-sad. I know that everything has to have an end. And knowing that you are with Jesus, sure ako that you sing all the time in heaven. I am happy that you are in peace. I miss you, I miss singing with you, I miss loving you. I am doing okay kasi marami kang naituro sa akin na nakapagpatibay sa akin. Salamat Ma. Mahal na mahal kita."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.