Elisse Joson at Richard Gutierrez, magpapakilig sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 08:00 PM

MAYNILA -- Isang kaabang-abang na kuwento ng pag-ibig ang bibigyang buhay nina Elisse Joson at Richard Gutierrez sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado.

Sa teaser na inilabas ng "MMK" sa Instagram, ibinahagi nito ang panliligaw ng empleyadong si Sha na gagamapanan ni Joson sa kanyang boss na si Tito na ginagampanan naman ni Gutierrez. 

Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa"MMK" si Richard samantalang ito naman ang pagbabalik ni Elisse matapos ang kanyang markadong pagganap sa 2017 episode ng progama na "Mansanas."

Abangan ang not-so-ordinary love story nina Sha at Tito sa "MMK" ngayong Sabado, Oktubre 12, pagkatapos ng "The Voice Kids."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.