Carlo Aquino, hanga sa husay ni Maine Mendoza

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 11:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng aktor na si Carlo Aquino na hanga siya sa galing sa pag-arte ni Maine Mendoza na kasama niya sa pelikulang "Isa Pa With Feelings."

"Noong una ko siyang nakilala at tahimik-tahimik parang walang pakialam, pero napakakulit pala. Mahilig din pala siya sa musika at saka mahusay umarte," ani Carlo sa naging panayam sa kanila ni Amy Perez sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles.

May halong excitement at kaba ang nararamdaman ni Carlo ngayong malapit nang ipapalabas sa mga sinehan ang "Isa Pa With Feelings" simula Oktubre 16.

"Paulit-ulit kong sinasabi na si Maine ay big star, phenomenal ... at siyempre na-excite na makakatrabaho ko si Maine na galing sa ibang network. Tapos pinapanood ko siya sa dubsmash," ani Carlo.

Para naman kay Maine, hindi niya inaasahan na mabibigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng pelikula sa Kapamilya network at makakasama pa niya si Carlo bilang kanyang leading man.

"Ako gusto ko po talaga siyang maka-work bilang leading man. ...Kaya ko talaga siya gustong makatrabaho dahil sa pelikula niyang napanood ko, 'yung 'Meet Me In St. Gallen,' iba ka roon," dagdag ni Maine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.