Regine Velasquez, dumanas ng diskriminasyon sa isang shop sa New York

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 04:14 PM


MAYNILA -- Proud na ipinasilip ni Regine Velasquez sa kanyang YouTube video ang kanilang walk-in closet ng mister na si Ogie Alcasid.

Dito, ibinida ni Regine ang kanyang koleksyon ng designer na sapatos.

Ayon kay Regine, ang bawat sapatos na kanyang nabili ay may sari-sariling kuwento, kabilang na rito ang isang Louis Vuitton na sapatos na kanyang binili nang minsan siyang bumisita noon sa Amerika.

Watch more in iWant or TFC.tv

"The story was I went to New York to find this particular shoes. I went to Louis Vuitton, 'yun 'yung may pinakamalaking Louis Vuitton. I went, I was so excited, kasi tour yun e', so I couldn't wait to go to New York to get this freaking shoes," kwento ni Regine sa kanyang vlog.

"And when I got there, nakita ko na, nandoon sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size."

Sinubukan niyang hingin kung mayroong sukat na para sa kanya ng gusto niyang sapatos.

"Sabi ko, 'Can I at least try them on?' Sabi ng guy, 'No!' Sabi talaga, ganon," aniya.

"Na-discriminate agad ang lola niyo so na-depress ako nang very, very light," pag-amin ng singer.

Dahil hindi pinagbilhan, sinubukan niya na lumipat ng tindahan sa harapan ng nasabing designer shop.

"I went to Neiman Marcus. Katapat lang ni Louis Vuitton si Neiman Marcus. Si Neiman Marcus, maraming branded shoes. Nagwala ako doon, ang ending ko, ang iniuwi ko ay 20 pairs of shoes kasi na-depress ako!"

Kuwento pa ni Regine, tulad ng pinagdaanan sa unang designer shop, dumanas rin siya ng diskriminasyon sa tindahan na kanyang pinuntahan.

"No one was making me pansin. 'Yung lahat sila, nagsusukat, walang pumapansin sa akin," aniya. "Until this guy came to me and then he said, 'Do you need help?' Parang maiiyak ako, 'Yes, I need help.'

"So lahat ng itinuro ko, binili ko talaga, so ang happy niya. Super happy siya samantalang 'yung ibang buwisit na nandoon, nagtitinginan sila, kasi 'yung mga ibang nagsusukat doon, walang binili, 'te."

Bitbit ang 20 pares ng sapatos, muli raw binalikan ni Regine ang unang tindahan na kanyang pinuntahan.

"So pagkatapos kong bilhin 'yung 20 pairs, pumunta uli ako sa Louis Vuitton. Nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya," masayang kuwento ni Regine.

"'Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito. But, you know, it’s okay, kasi I don't think you should feel bad kapag nadi-discriminate ka. You go back and, like, kick some a**!"

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.