Maine Mendoza, napaiyak sa 'Magandang Buhay' dahil sa kapatid

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 12:38 PM

Watch more in iWantTFC

MANILA -- Hindi napigilan ni Maine Mendoza ang mapaiyak sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay" kasama ang leading man niya sa pelikulang "Isa Pa With Feelings" na si Carlo Aquino.

Nitong Martes, naging emosyonal si Maine sa naging sorpresang pagtungo sa programa ng kanyang kapatid na si Coleen.

"Ang tagal na naming hindi nagkikita eh," ani Maine na naging abala sa kanyang trabaho.

"Kasi sobrang busy niya sa work as in through message na lang. Ang tagal na naming hindi nagkikita," ani Coleen.

Nang matanong kung na-miss niya ang kanyang ate, tuluyan nang lumuha si Maine.

"Kasi last time, sa kanya ako nag-vent nang nararamdaman ko. Basta 'yung mga dinadala ko sa loob, 'di ko napipigilan eh hindi rin kami sanay na as in nagsasabihan ng mga problema. So sa sobrang parang hindi ko na kinaya as in sa kanya ako nagsasabi, sa text lang. Tapo siya lang 'yung nagsasabi sa akin na 'kaya mo 'yan, laban lang'" ani Maine.

Kuwento ni Coleen, si Maine ang kapatid niyang hindi takot humingi ng sorry kung kinakailangan.

"Si Meng, very humble siya, mapagkumbaba," ani Coleen na ikinuwento rin ang pagiging mahiyain ng kapatid.

Aniya, napakamahiyain ni Maine kaya laking gulat ng kanilang pamilya nang maging artista ito. "'Yung mga ginagawa niya ngayon ay hindi namin akalain na magagawa niya," ani Coleen.

Dahil sa pagiging mahiyain, naibahagi rin ni Maine na minsan na siyang kumain sa cubicle. "Takot lang ako. College nangyari 'yon, takot lang talaga ako mag-approach sa tao," ani Maine.

Nakatakdang ipalabas ang "Isa Pa With Feelings" sa Oktubre 16.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.