Kim Chiu, ibinida ang vintage arinola na pamana ng kanyang lola

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 04:20 PM | Updated as of Oct 08 2019 04:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa bagong YouTube video, ipinasilip ng Kapamilya star na si Kim Chiu ang ilang detalye ng kanyang sasakyan na maituturing na rin niyang parang pangalawang bahay.

Ang customized na sasakyan na mayroong TV, dalawang recliner leather seat, closet at sofa na nagiging kama.

Ibinida rin ni Kim ang ilang mga bagay na lagi niyang bitbit sa kanyang sasakyan, kabilang na dito ang arinola na kanyang namana mula sa kanyang lola.

"Dito ako umiihi," pagbibida ni Kim sa vlog. "This is what you call 'The Arinola Chiu.' this is from my grandmother Francisca Chiu so ito ang kanyang pamana niya sa akin."

Ayon pa kay Kim, mas minabuti niya na gamitin ang arinola kaysa magpalagay ng palikuran sa kanyang sasakyan.

"Everywhere I go, I really have to bring this, kasi mahirap na."

Bilin pa ng Kapamilya star: "'Pag naiihi, huwag pipigilan. Arinola is the key."

Sa ngayon, kasalukuyan nang inaabangan ang pagbabalik-teleserye ni Kim sa "Love Thy Woman" kasama ang nobyong si Xian Lim.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.