Karla Estrada, may 'love update' tungkol kay Kathryn, Daniel

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 11:32 AM | Updated as of Oct 08 2019 04:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Balik-Pilipinas na ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa kanilang dalawang linggong bakasyon sa Iceland.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, nagbigay ng "love update" ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, na isa rin sa mga host ng programa.

"I think traveling talaga will help na maging maayos ang relationship kasi nagkakakilanlan kayo. At least habang bata mag-travel kayo nang mag-travel. I-enjoy niyo ang buhay at tingnan niyo kung saan ba dapat kayo magiging magkasundo na panghabambuhay," ani Karla na suportado ang pagbabakasyon ng dalawa.

Matapos ang bakasyon, sinabi ni Karla na magiging abala na muli ang dalawa sa trabaho.

"Naku ang daming gagawin, much needed talaga (itong naging) bakasyon na ito. So hintayin na lang natin. Anyway lahat naman ng gagawin ng KathNiel ay para sa sambayanan -- magpasaya, magpaligaya, magpakilig sa lahat ng kanilang fans at sa mga manonood," ani Karla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.