Claudia Barretto, kasama sa Visayas tour ng Las Islas Music Festival

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 12:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Excited na nagkuwento si Claudia Barretto ng latest development sa kanyang music career bilang bahagi ng Visayas concert tour ng Las Islas Music Festival.

Kahit maraming acting projects ang inaalok kay Claudia, mas pinipili niya ang pagpe-perform at paglikha ng sarili nyang pangalan sa musika.
 
"It feels good to kinda become my own person, especially that my vision for my music is so different from what they're doing. So I like that naturally, like I'm just settling myself apart in a good way," ani Claudia.

Kahit laging kontrobersyal at paboritong pag-usapan ang kanilang pamilya, inspirasyon kay Claudia ang mga ito, lalo na ang mga kapatid na sina Dani at Julia Barretto.
 
"I'm very proud of my sister, you know. If anything, it inspires me to do well and to do well in what I am doing," ani Claudia.
 
Nagkuwento rin si Claudia sa pagdating ng bagong baby sa pamilya na anak ni Dani.
 
"My mom is a first-time lola so we're really, really happy. My mom is so obsessed with the baby, her name is Millie. ...Sana not brat, but spoiled maybe," ani Claudia.

Inaasahan ni Claudia na mas dadami pa ang kanyang followers sa kanyang singing career na inspirado siyang ibahagi sa kanyang audience.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.