WALTON-ON-THAMES - Nagmula pa sa iba-ibang panig ng UK at Europa ang mga dumalo at nakisaya sa 1MX London na ginanap sa Apps court, Walton-on-Thames kamakailan.
Ito ang kauna-unahang music festival ng The Filipino Channel sa Europa. Mula sa pagkaing Pinoy, hanggang sa maghapong kasiyahan, ramdam ang Pinoy pride.
“Grabe, parang Pilipinas, I feel home talaga, ang daming Pilipino,” sabi ni Nurse Even, isang Vlogger.
Unang bahagi ng music festival ang performance ng local singers and musicians tulad ni The Voice Kids 2020 grand winner Justine Afante at The Voice UK semi-finalist Apostol.
Sumunod naman sina Clarissa Mae, Tara Flanagan, DJ Clencha, at Beatboxing sensation MC Zani. Nagpasikat rin ang mga DJs na sina DJ Menace, DJ Mamor, DJ Flecs, DJ Nang, Waleska at Efra.
Emosyonal naman ang The Voice Kids UK 2020 winner na si Justine Afante nang personal na makilala ang kanyang idolong si KZ Tandingan.
“She really inspired to be where I am. Im just so happy,” sabi ni Afante.
Sa pangalawang bahagi, inaabangang musical acts mula sa Pilipinas tulad ng performance nina Jon Guelas, Jeremy G, Angela Ken, Sab at EZ Mil.
Performance ni Jon Guelas
Performance ni Jeremy G.
Performance ni Angela Ken
Performance ni Sab
Performance ni Ez Mil
“I’m excited to see everyone on the tent, I’m excited and the nervousness just kind of goes away when I’m performing,” sabi ni Darren Espanto.
Tilian sa repertoir ng pop hearthrob na si Darren Espanto at sa pag-rap at kanta ni Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan.
Performance ni Darren Espanto
“1Mx is about OPM. Ipinapakita ng 1 MX na ang Pilipino on the same level, if not mas higit pa sa iba pang international stars. The ultimate goal of 1MX is to champion Filipino talent wherever we are in the word,” sabi ni KZ Tandingan.
Performance ni KZ Tandingan
At siyempre ang inaabangang rakrakan kasama si Bamboo na siyang nagsara ng music festival. Kahit may transport strike sa London at nahirapan ang ilan sa pagbiyahe, sulit daw ang sakripisyo dahil sa musical treat na napanood.
“Talagang nag spend ako ng time whole day para makapunta rito. First time ko, kasi during pandemic ako pumunta dito sa UK,” sabi ni Princess Garcia, nanood ng 1MX London.
“Nakipag-rakrakan si Bamboo at yung special artists na dumating ngayon, sobrang saya. Napaka-excited. Sana maulit. Thank you!” sabi ni Rael Gregorio, nanood ng 1MX London.
“Thank you so much po, TFC and ABS-CBN for bringing us live, awesome and unforgettable artists. Thank you so much,” sabi ni LJ Grocz, nanood ng 1MX London.
“I got my moment, sobra-sobra. as in, the best. Darren and everyone, they are so good, hands down,” sabi ni Jan Yamson, nanood ng 1MX London.
Naging bahagi ng kasaysayan ang mga dumalo dahil ito ang kauna-unanghang music festival ng TFC sa Europa na layuning ipakita at paningningin ang galing ng Pinoy sa larangan ng musika.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Photos by Thirdy Ado / Merwin Puri/ LitratodeLala
KAUGNAY NA VIDEO: