PatrolPH

Maja Salvador best actress sa Asia Contents Awards

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 02:58 PM | Updated as of Oct 07 2019 08:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Itinanghal na best actress si Maja Salvador sa kauna-unahang Asia Contents Awards sa Busan, South Korea noong Linggo.

Kinilala si Salvador para sa kaniyang pagganap bilang Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng "Wildflower," na umere sa ABS-CBN noong 2017 hanggang 2018.

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ni Salvador ang ABS-CBN dahil ipinagkatiwala ng network sa kaniya ang karakter.

"It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of 'Wildflower,'" anang aktres.

Watch more on iWantTFC

Binanggit din ni Salvador ang "Wildflower" co-star na si Tirso Cruz III dahil sa paghamon nito sa kaniya na galingan pa sa pag-arte.

"I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III, who upped my game and encouraged me when I thought I had nothing more to give," aniya.

Na-nominate ang "Wildflower" sa Best Asian TV Drama category ng Asia Contents Awards pero natalo sa "Hormones" ng Thailand at "Faculty" ng Singapore.

Itinuturing na ring "best birthday gift" ni Salvador ang award. Ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-31 kaarawan noong Sabado, Oktubre 5.

Kasama ni Salvador sa Busan ang direktor ng serye na si Raymund Ocampo at nobyong si Rambo Nuñez.

Ang Asia Contents Awards ay inorganisa ng Asian Film Market at Busan International Film Festival.

Sa Philippine night party na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines, kaliwa't kanan ang pagbati kay Salvador. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.