James Reid, may pakiusap sa fans

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 11:34 AM | Updated as of Oct 07 2019 02:48 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

MANILA -- Nakiusap ang aktor na si James Reid na huwag nang bigyan ng pangalan ang tambalan nila ni Nancy, isa sa mga miyembro ng Momoland.

Makakatrabaho ni James si Nancy para sa teleseryeng "Soulmate" na gagawin ngayong 2020.

Sa Twitter, inihayag ni James ang kasiyahan na maging parte nang nasabing proyekto, pero pakiusap niya na huwag na silang bigyan ng "love team name" dahil sa mayroon na siyang sariling love team at ito ang JaDine.

Ang JaDine ang tawag sa tambalan nila ng nobyang si Nadine Lustre.

Si Antoinette Jadaone ang magiging direktor ng "Soulmate." Siya rin ang nag-direct ng seryeng "On the Wings of Love" kung saan bida sina James at Nadine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.