Dimples, nagsalita sa mga akala ng netizens sa kanya

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 11:47 AM | Updated as of Oct 07 2019 12:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagsalita na si Dimples Romana sa mga mga akala tungkol sa kanya.

Sa pinakabagong vlog ni Dimples, ibinahagi ng aktres kung ano ang mga totoo at mga akala lamang base na rin sa mga tweet ng netizens.

Sa mga nag-assume na siya ay "smart," sinabi ni Dimples na medyo nerd siya noong medyo bata pa siya dahil sa takot niya sa kanyang nanay. Naging valedictorian pa nga siya noong elementary at high school.

At sa tanong naman kung siya ay maalaga lalo na sa kaibigang si Angel Locsin, sinabi niyang mas maalaga si Angel sa kanya.

Kinumpirma naman niya na mahilig siyang mag-online shopping.

Pero natawa na lang ang "Kadenang Ginto" star sa akala ng isa pang netizen na siya ay madaling magpahiram ng pera.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.