Bela Padilla, gaganap na sundalo sa bagong pelikula

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 01:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Mahirap ang role na ginampanan ni Bela Padilla sa pelikulang "Mañanita" na idinirek at prinoduce ni Paul Soriano.

Gumanap si Bela bilang isang sundalo at kinailangan ng matinding research at immersion bago isalang sa kanyang mga eksena.
 
"We have very talented soldiers in the Philippines and I don't want to let them down. So I did train, the team of 'Mañanita' and direk Paul accompanied me personally when I trained so I can now assemble a rifle in a minute," ani Bela.

Sa panulat ng award-winning filmmaker na si Lav Diaz, maririnig din ang ilang classic OPM songs sa kahabaan ng "Mañanita" na ayon kay Direk Paul ay kumain ng malaking bahagi sa kanilang budget.

"A lot of the budget went to music, majority are original songs. Basically I chose songs based on the lyrics they were saying, something that I felt Edilberta was going through," ani Paul.

Pansin din ang ibang itsura ni Bela sa kanyang papel.

Nagbigay trivia pa ang aktres na muntik nang 'di makilala ang sarili habang nasa shooting.

"May mga moment ako sa tent na kapag napapatingin ako sa salamin parang nagugulat ako na may iba tao sa salamin pero ako rin pala. So kapag 4 a.m. ang calltime medyo nasha-shock ako," kuwento ni Bela.

Ipapalabas ang "Mañanita" sa 2019 Tokyo International Film Festival at umaasa ang Pinoy audience na mag-uuwi ito ng karangalan sa bansa.