Piolo Pascual, pinarangalan sa Busan, South Korea

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2018 08:16 PM

 

Kinilala ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual bilang Asia Star Awardee sa Marie Claire Asia Star Awards for 2018 sa Busan, South Korea.

Isa si Piolo sa mga Pinoy celebrities na dumayo sa 2018 Busan International Film Festival bilang kinatawan ng Pilipinas.

 

Bukod sa pagkilala na tinanggap ng aktor, isang pagkilalala din ang tinanggap ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa panunguna ni FDCP chairperson Liza Dino.

 

Pinarangalan din ang Pilipinas ng Achievement Award para sa patuloy na pagyaman ng pelikulang Pilipino.

Bukod kay Piolo, kasalukuyan din nasa Busan Korea sina Max Collins, Sandy Andolong, Christopher de Leon, at Joel Torre, at mga direktor na sina Joyce Bernal, Kidlat Tahimik at Brillante Mendoza.