Cesar Montano, nagsalita na sa annulment nila ni Sunshine Cruz

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2018 10:19 PM

MAYNILA -- Maikli pero makahulugan ang naging pahayag ni Cesar Montano sa pagbibigay reaksyon nito sa naging annulment nila ng dating asawa na si Sunshine Cruz.

Sa column ni Dolly Anne Carvajal, nagbigay reaksyon si Montano na mas pinili ang pananahimik sa kasagsagsagan ng pag-usad ng annulment case kay Sunshine.

"It's best not to say anything to the press. Less talk, less mistake," sabi ni Cesar kay Dolly Anne na kilalang malapit sa aktor.

"I believe God allows everything to happen for a purpose. Marriage is one of the most expensive schools of highest learning in life. But more valuable than money is time. God didn’t let me get out of it without learning something. God is good, all glory to Him," pahayag pa ng aktor sa ulat.

Samantala, tila hindi naman nagustuhan ni Sunshine ang naging ulat ni Dolly Anne. Sa isang Facebook post, inihayag ng aktres ang kanyang saloobin sa tila naging pagpanig umano ni Dolly Anne kay Cesar.

"Since you've always been defensive, vocal and a proud BFF of my EX, I've said it before and I'll say it again. Given that you Ms. Dolly Ann Carvajal have gone through an annulment as well, you will NEVER be able to compare your experiences from mine," ani Sunshine sa Facebook post.

"I don't know if you would recall when I sent you a text message few years ago stating that I don't expect sympathy coming from you. I just simply reminded you that you are a mother and a woman as well," pahayag pa ng aktres sa post.

Taong 2000 nang ikasal si Sunshine at Cesar at nabiyayaan ng tatlong anak na babae na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

At 2014 naman ng magsimulang ihain ni Sunshine ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasal na tuluyan nang natuldukan nitong Setyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.