Alex Gonzaga, muntik na nga bang tumigil sa pag-aartista?

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 11:10 PM | Updated as of Oct 07 2019 07:34 AM

Ibinahagi ng aktres na si Alex Gonzaga kung paano siya nagdesisyon na magsimulang mag-post ng videos sa Youtube.

Ayon kay Alex, una niyang naisipang mag-vlog noong 2017. Noong panahong iyon, malapit nang matapos ang kontrata niya sa ABS-CBN at hindi pa siya sigurado kung mare-renew ito.

Naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kaniyang unang video, at dahil dito, itinuloy-tuloy na ni Alex ang pagpo-post ng kaniyang mga vlog.

Mas dumami rin umano ang mga oportunidad na dumating sa kaniya matapos niyang maging kilalang vlogger sa Youtube.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 4.5 milyon na ang subscribers ni Alex.

Masaya rin siya dahil nagagawa niya kung ano ang gusto niya sa kaniyang mga bidyo, at naipapakita rin niya ang kaniyang totoong pagkatao.

Watch more in iWant or TFC.tv