Jessy Mendiola, nagpasalamat kay Vilma Santos

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 01:09 PM

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

MANILA - Nagpasalamat ang aktres na si Jessy Mendiola kay Vilma Santos, ina ng kanyang nobyong si Luis Manzano.

Sa nagdaang Star Magic Ball, nagpasalamat si Jessy kay Vilma sa pagpuri nito sa kanya bilang mabuting nobya para sa kanyang anak.

"Sobrang bait niya sa akin kahit noong Day 1 pa lang. Thank you. Kung 'yun ang tingin niya sa akin ay ipagpapatuloy ko lang 'yon," ani Jessy.

Kamakailan lang ay sinabi ni Vilma na boto siya kay Jessy para sa panganay nitong anak dahil sa kababaan ng loob nito.

Sa ngayon ay masaya si Jessy at si Luis sa kanilang relasyon. 

Paglilinaw ni Jessy, may mga bagay pa siyang kailangang gawin bago siya magpakasal kay Luis.
 
"Sobrang patient nito (Luis). Kapag sinabi ko na wait lang, mayroon pa akong gustong gawin, [sasabihin niya] 'Sige lang, go ka lang,'" aniya.

Nang matanong kung hanggang kailan maghihintay si Luis, tugon ni Jessy: "Malay mo, hindi na."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.