Vina Morales nanghabol ng phone snatcher sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2020 11:48 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

Pinag-iingat ni Vina Morales ang publiko matapos siyang maagawan ng cellphone sa EDSA, kung saan hinabol din niya ang snatcher para mabawi sana ang gadget.

Ginagamit ni Morales ang cellphone sa loob ng sasakyan sa may EDSA nang kuhanin ito ng snatcher sa pamamagitan ng bukas na bintana, kuwento ng 44 anyos na mang-aawit sa isang Instagram post noong Biyernes.

"Naiwan ko pong bukas ang aking window habang nasa EDSA, tapat po ng Phoenix gasoline station... reaction ko po ay hinabol ko," ani Morales.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

Kasunod ng insidente, inimbitahan si Morales sa police station para maghain ng report pero tumanggi na siya dahil ayaw na niyang makasalamuha ng maraming tao bunsod ng banta ng COVID-19.

"Telepono lang naman 'yon pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganoong tao," ani Morales.

"Itong message ko, just letting you know na mag-ingat po tayo," dagdag niya.

Pinasalamatan din ng mang-aawit ang mga taong tumulong sa kaniya.

Ilan sa mga nag-comment sa kaniyang post para magpaabot ng concern ay sila Erik Santos, Cristina Gonzalez-Romualdez, Sunshine Cruz, Jessy Mendiola, Mariel Padilla, Candy Pangilinan, Pops Fernandez, at Direk Ted Boborol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.