James Reid at Nancy ng Momoland bibida sa isang teleserye

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2019 08:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Makakatambal ng Momoland member na si Nancy si James Reid sa isang teleserye ng Kapamilya Network na gagawin sa 2020.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

Ibinunyag ito sa contract signing ng MLD Entertainment, talent agency ng Momoland sa Kapamilya network nitong Biyernes, na layong i-promote ang local entertainment sa mas malawak na audience abroad.

Papamagatang “Soulmate” ang serye at si Antoinette Jadaone ang magsisilbing director nito.

Sabik na si Nancy (Lee Geu Roo sa tunay na buhay) sa bagong project lalo’t first time niyang sumabak sa drama series.

"It's totally new to me [that I'm] in a different country, new culture. I've never been in a big drama before so I can say that it's the first time," aniya.

"He’s super nice, super sweet and awesome," dagdag niya tungkol sa makakatambal.

Gayundin ang nararamdaman ni Reid sa bagong makakatambal lalo na't ito ang unang beses na makakatambal niya ang isang international artist.

"I have to be honest im a little bit starstruck but im super excited to work with her," ani Reid.

Lumagda sa kontrata ang ABS-CBN at MLD Entertainment para sa isang multi-project deal.

Kasama na rito ang isang travel show tungkol sa paglilibot ng Momoland sa Pilipinas.

Target na ma-release ang serye sa Enero 2020.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.