Ryle Santiago, espesyal ang pagtingin kay Kira Balinger

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2018 11:54 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Ryle Santiago, isa sa miyembro ng Hashtags, na may espesyal siyang pagtingin kay Kira Balinger.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Ryle ang dahilan kung bakit malapit siya sa aktres.

"Siya lang 'yung babaeng close sa akin na wala sa pamilya ko. Sa kanya ako nagko-confide, sa kanya ako nagrereklamo. ... Ganun lang. Lagi po kaming nagkakamustahan, nag-uusap. So parang closer and closer," ani Ryle na naniniwalang wala rin namang magiging problema sa kanyang mga magulang kung maging sila ni Kira sa hinaharap.

Pero giit ni Ryle, sa ngayon ay hindi siya nagmamadali pagdating sa pakikipagrelasyon lalo't natuto na siya sa dating pag-ibig. 

"Siyempre alam naman ito ng madlang pipol natin na minsan na akong nasaktan. Kaya dapat take it slow, take it slow dapat," ani Ryle.

Matatandaang huling naiugnay si Ryle sa aktres na si Barbie Imperial.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.