Pagpaparetoke ni Xander Ford, may negatibong epekto? Psychologist, nagpayo

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2017 09:25 PM | Updated as of Oct 04 2017 11:49 PM

Tinatayang halaga ng retoke ni Xander Ford

Bukod sa kaniyang bagong hitsura, hot topic din ngayon tungkol kay Xander Ford ang kaniyang napupusuang aktres.

Dumalo sa premiere ng pelikulang "The Debutantes" si Miles Ocampo, ang crush ni Xander at napiling leading lady para sa kaniyang magiging pelikula.

"Salamat po kung gano'n, nakakatuwa naman po ang sagot ni Xander Ford," sabi ni Miles.

Samantala, ibinahagi naman ni Randy Dellosa, resident psychologist ng Pinoy Big Brother, na may positibong dulot ang operasyon ni Xander.

"Nakamit niya 'yong pantasyang pagmumukha niya, nabu-boost ang self-esteem niya... siyempre happy rin ang family niya. Nag-worldwide trending siya, so most probably, he'll get a lot of projects," ani Dellosa.

Pero dagdag ni Dellosa, mayroon din itong negatibong epekto sa publiko.

"Lalaganap siguro ang low self-esteem ng mga tao kasi ang mensahe... if you do not accept yourself, change the way you look," ani Dellosa.

Dapat din aniya harapin ni Xander ang katotohanan sa kaniyang sarili.

"Hindi naman natanggal 'yong insecurities niya, fears... sa entertainment industry, there will always be a better face than him. So later on, he might even get dissatisfied with his own face," ani Dellosa. 

"More important [sa case ni Xander], get counseling to remove emotional baggage. Take up courses to develop your self-esteem. If Marlou's able to do that, he will be developed into a total person."

Para naman kay Xander, ginagawa niya lang ang lahat para sa mga gustong makamit sa buhay.

"Gusto ko po muna i-achieve muna ang pangarap ko, bahay at sasakyan."

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.