PatrolPH

PANOORIN: Mark Anthony, nagpaliwanag matapos mahuli

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2016 12:22 PM

MANILA -- Arestado ang aktor na si Mark Anthony Fernandez na nakipaghabulan sa mga pulis matapos takbuhan ang isang checkpoint sa Angeles City, Pampanga.

Nahulihan din siya ng may isang kilo na hinihinalang marijuana.

Sa panayam ni ABS-CBN News reporter Trisha Mostoles, inamin ni Mark Anthony na binili niya sa halagang P15,000 sa Angeles City ang hinihinalang marijuana bilang gamot niya pangontra cancer.

"Gamot ko po 'yon, pangontra cancer. Ang pagkakaintindi ko po ay gusto nilang (gawing ligal) ang marijuana, kumbaga 'di ako nag-atubili na bumili. 'Di naman po 'yon mauubos ng isang araw, kumbaga pangmatagalan po 'yon. Siguro mga isang taon at kalahati na po yon," ani Mark Anthony.

Umagang Kay Ganda, October 4, 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.