PatrolPH

Vicki Belo, ipinaliwanag ang apelyido ni Scarlet Snow

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2017 11:26 PM | Updated as of Oct 05 2017 03:54 AM

Vicki Belo, ipinaliwanag ang apelyido ni Scarlet Snow 1
Nagkuwento ang doktora kung bakit "Belo" ang apelyido ni Scarlet Snow

Larawan ng masayang bagong-kasal sina Vicki Belo at Hayden Kho na nag-isang dibdib nitong Setyembre 2 sa Paris, France. 

Ayon kay Vicki, payapa na sila ngayon matapos ang lahat ng pinagdaanan nila sa 12-taong relasyon. 

Ibinahagi rin niya kung ano ang naging senyales na si Kho ang tamang lalaki para sa kaniya.

“May dinaanan kasi ako last year, ang daming nangyari, namatay pa ang nanay ko and when I was at my lowest point, Hayden was really there for me. I can lean on him, he took care of me. I know many friends na kapag mahirap na ang walk, wala na sila... and then I realized he has changed a lot,” kuwento ni Vicki. 

Isa sa biggest blessings para sa mag-asawa ang anak na si Scarlet Snow na may milyong followers sa Instagram. 

Ipinaliwanag din ni Vicki ang nag-trending na video ni Scarlet Snow tungkol sa kaniyang apelyido.  

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

“I'm an only child so there's really nobody to carry my [family] name di ba, so I just changed back to Belo... So I asked him [Hayden] before, can I please please have my Belo baby?” ani Belo.

Ayon kay Vicki, matalino at charismatic si Scarlet Snow dahil tutok sa kaniya si Hayden. 

Ikinuwento rin ni Hayden na anim na buwan pa lamang si Scarlet Snow ay mayroon na itong ‘music class’.

“Before when she was six months she had that music class, for music rhythm and stuff… Even though akala natin hindi sya nakakaintindi they're learning skills like that and at 8 months she started swimming, well, not really swim, but getting used to the water,” ayon kay Hayden. 

Pangarap ni Vicki na maging doktor din si Scarlet Snow tulad niya habang nais ni Hayden na maging secretary general ng United Nations ang anak. 

Kung may matitindi mang hamon bilang mag-asawa, natutunan daw nila na ang susi ay komunikasyon at pagsandal sa Diyos.    

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.