Erich Gonzales, sugatan; Lovi Poe, namaga ang leeg sa sampalan

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2017 01:04 AM | Updated as of Oct 03 2017 11:41 AM

 

A post shared by Ahwel Paz (@ahwelpaz) on

Sugatan si Erich Gonzales matapos ang isang mainit na eksena nila ni Lovi Poe.

Ayon sa Instagram post ni Ahwel Paz, duguan ang kamay ni Erich nang mahiwa sa hikaw ni Lovi Poe na nakasampalan niya sa shoot ng isang eksena para sa pelikulang "The Significant Other".

May mga bakas din ng dugo ang suot ni Erich.

Base rin sa post, nanginiginig sa takot si Erich matapos mahiwa ang kamay.

Maging si Lovi Poe, namaga ang leeg dahil sa on-cam away nila ng co-star.

Nag-sorry si Lovi matapos ang eksena. 

Naiwan naman si Erich sa backstage na umiiyak.

Inihinto muna ang shoot dahil sa insidente.

 

A post shared by Ahwel Paz (@ahwelpaz) on

Sa isa pang Instagram post, nasilip ang umaatikabong sampalan ng dalawang aktres na in-character at nag-aagawan para sa karakter na ginagampanan ni Tom Rodriguez. - Ulat ni Ahwel Paz, ABS-CBN News; DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.