Nadine, James, binalewala ang pamimintas sa kanilang ABS-CBN Ball outfits

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2018 03:46 PM | Updated as of Oct 03 2018 05:23 PM

Nadine Lustre at James Reid sa red carpet ng ABS-CBN Ball. ABS-CBN News

Ipinagkibit-balikat lamang nina Nadine Lustre at James Reid ang mga pamimintas sa kanilang mga kasuotan sa ABS-CBN Ball 2018 noong Sabado.

Isa ang suot ni Lustre — isang itim na dress na may exposed na garter sa thigh-high slit nito — sa mga umani ng sari-saring reaksiyon, lalo mula sa netizens.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bagaman napabilang si Lustre sa listahan ng "best dressed" sa ball ng Metro Magazine, isinama naman siya ng gossip blogger na si Fashion Pulis sa listahan nito ng "worst dressed."

Pero para kay Lustre, ang pinakamahalaga ay nakadalo sila sa okasyon, na idinaos upang makalikom ng pondo para sa Bantay Bata.

Watch more in iWant or TFC.tv

"It really doesn't matter. All that matters is we went there to support the charity," sabi sa ABS-CBN News ni Lustre noong gabi ng Lunes sa pagdalo niya sa premiere ng pelikulang "Para Sa Broken Hearted."

Ayon kay Lustre, normal lang na hati ang opinyon ng mga tao sa kaniyang suot.

"I think that's normal. Lahat naman po ng reactions magiging mixed, it's not always gonna be good or bad. Siyempre mayroon din naman pong may ayaw ng outfit, mayroon may gusto," aniya.

Sa panayam naman kay Reid, binalewala rin niya ang mga pamumuna sa kanilang suot.

"At least it was something different, I don't mind," sabi ni Reid.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james) on

Ibinunyag din ni Reid na kay Lustre nanggaling ang konsepto ng kanilang mga suot para sa ABS-CBN Ball.

"I just followed suit and I loved it. I thought we looked amazing," ani Reid.

Higit pa sa opinyon ng mga netizen, sinabi ni Reid na nag-enjoy naman siya sa pagdalo sa okasyon.

"It was a lot of fun," aniya.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.