PatrolPH

Misis ni Matt Evans, natangayan ng halos P6-M halaga sa negosyo

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 06:42 PM | Updated as of Oct 01 2019 06:43 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Umaasa ang aktor na si Matt Evans na matatapos rin nila ng kanyang misis na si Katrina Farinas-Evans ang isinampa nilang kaso laban sa taong nanloko umano sa kanila.

Ayon sa aktor, mahigit tatlong taon nang natangayan ng halos P6 milyon na halaga ng gamit ang kanyang misis mula sa negosyo nito bilang isang reseller ng designer bag at alahas.

"Hanggang ngayon, rumer-ecover pa rin kasi malaki po talaga e. Pero awa ng Diyos, may tumutulong sa aming mga tao, so nakakaluwag-luwag. Pero siyempre kung ano ang hiniram mo kailangan mo talagang ibalik, ganun talaga, so may mga interest kami na binabayaran," tugon ng aktor sa panayam.

Kasunod ng pangyayari, inamin rin ni Matt na dumating sa punto na hinamon nito ang kanilang pagsasama.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Chew Evans (@matt3vans) on

"Sa umpisa, may ganun na scenario talaga, pero malalagpasan at malalagpasan talaga," aniya.

"Noong umpisa hindi mo masisisi, kumbaga bakit ka nagbigay, bakit ganito, bakit ka nagtiwala ka agad. So parang sa amin lang andyan na 'yan e, pinagpasa-Diyos mo na, pero kailangan mo pa rin kumilos," sambit pa ni Matt.

Nagbigay mensahe rin ang aktor sa kanilang itinuro nilang nanloko sa kanyang misis.

"Huwag na sana niya kami pahirapan, mag-settle na lang siya kung ano ang kaya. Kasi doon naman din aabot 'to kahit pahabain mo pa, 'di ba? Settlement din naman aabot. Kung ano ang kaya mo salubong na lang, ganun rin naman e. Pagtrabahuhan na lang lahat," pahayag ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.