PatrolPH

Kim Molina, hindi inasahan ang tagumpay ng 'Jowable'

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 04:06 PM

MAYNILA -- "Thank you, Universe".

Ganito ilarawan ng aktres na si Kim Molina ang kanyang nararamdaman matapos ang tagumpay sa takilya ng kanyang pelikula na "Jowable."

Sa kasalukuyan, sumampa na sa mahigit P47.5 milyon ang kinita ng pelikula at inaasahan pa ang paglaki nito sa mga susunod na araw.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency) on

Kuwento ng aktres, hindi niya inasahan ang mga positibong komento sa kanyang pagbida sa unang pelikula.

"Ayaw ko pong isipin, pero at the same time nakakalula po kasi e. Gusto ko lang naman po ang magtrabaho nang magtrabaho at pauwiin ang mga magulang ko na OFW, 'yun lang naman po," ani Kim sa panayam sa naganap na victory party ng "Jowable."

Watch more on iWantTFC

Para kay Kim, nais rin niya na maging inspirasyon sa mga baguhang artista na tulad niya na magpursigi para sa kanilang mga pangarap.

"Kumbaga natutuwa po kami na kami rin na normal na aktor nabibigyan ng pagkakataon. 'Yun na rin po ang bonus sa amin kasi for this, naniniwala ako na ang mga katulad ko rin, magkakaroon ng mga pagkakataon," aniya.

Kasunod ng tagumpay ng pelikula, bukas rin si Kim sa posibilidad na gumawa ng part two. "Sana! I do not know. Hindi ko po alam e, pero kung meron po, sige po," pahayag ng aktres.

Bukod sa "Jowable," napapanood pa rin si Kim sa "Kadenang Ginto" bilang si Savannah Rosales.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.