John Lloyd Cruz, alay ang isang tula sa anak?

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2018 04:06 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Off (@dumpsitegallery) on

MAYNILA -- Tila isang kompirmasyon sa kanyang pagiging isang ganap na ama ang isang tula na ibinahagi ni John Lloyd Cruz sa isang Instagram post nitong Lunes ng umaga.

"Mangmang pagdating sa'yo
"Sa iisang tunog mong taglay
"Sa kaaya-ayang sorpresa ng paglapit mo
"Sa imahe ng kalayaan na tiyak iwinawaksi mo
"Sa perpektong hubog ng iyong galaw
"Sa lupa
"Sa ere
"Sa tubig
"Sa'yong talentong alingawngaw ng isang ina.
"Sa'yong malabalong papel sa ating nakaratay nang sistema
"Ako'y mangmang pagdating sa 'yo
"Ang paulit-ulit mong huni ay kalinga sa aking mapagisang katahimikan.”

"Mga Ibon
Para Kay Elias
Oktubre 1, 2018."

Alay ni Cruz ang ginawang tula na umano'y patukoy sa napabalitang anak nila ng nobya na si Ellen Adarna.

Ayon sa mga ulat, isinunod sa namayapang ama ni Adarna ang pangalan ng kanilang bagong silang na anak na si Elias Modesto.

Hunyo nitong taon, ng napaulat ang balitang panganganak ni Adarna sa kanilang anak ni Cruz.

Tila isang kompirmasyon din ang mga naging pahayag ng dating nobya ni Cruz na si Angelica Panganiban sa "Gandang Gabi Vice" nang tanungin nito ang ex sa pagni-ninang

Oktubre 2017 nang mag-file ng indefinite leave of absence si Cruz sa Star Magic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.