PatrolPH

'Idol' champ Khimo Gumatay, nais pasukin ang pag-arte

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2022 11:35 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Nais rin subukan ni Khimo Gumatay, ang pinakabagong kampeon ng "Idol Philippines," ang pag-arte.

Nitong Biyernes, bumisita si Gumatay sa programang Sakto ng TeleRadyo. Nang matanong ni Amy Perez kung gusto niyang mag-comedy o masabak sa isang sitcom, mabilis na tugon ni Gumatay: "Opo."

Matatandaang nito lamang Setyembre 18 ay naiuwi ni Gumatay ang titulo bilang kampeon ng "Idol Philippines" season 2.

"Marami pa pong mga kanta at marami pa pong makapagdamdaming performance ang maipapakita ko pa dito," ani Gumatay.

Muli ring nagpahatid ng kanyang pasasalamat si Gumatay sa lahat ng kanyang mga tagahanga at mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

Sa ngayon ay mapapakinggan ang inawit ni Gumatay sa "Idol Philippines" sa Spotify at sa official YouTube page ng Star Music.

Watch more News on iWantTFC

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.