Tony Labrusca, ipinakita kung paano siya bilang boyfriend

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 03:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinakita ng aktor na si Tony Labrusca sa isang tagahanga kung paano siya bilang isang nobyo.

Sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo, naging game si Tony sa hiling ni Vice Ganda na ipakita kung paano siya magmahal.

Sa tulong naman ng isang tagahanga na parte ng studio audience, napuno ng kilig ang programa nang ipakita ni Tony ang pag-alay niya ng jacket, pagyakap at pagsayaw sa kunwaring nobya.

Isa si Tony sa mga bida ng pelikulang "Ang Henerasyong Sumuko sa Love" na ipapalabas na ngayong Oktubre 2.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.