Maja Salvador, inilarawan ang pangungulila ng isang OFW sa iWant series

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 08:33 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Magkakasamang humarap sa entertainment press nitong Linggo ang mga bida ng bagong iWant series na "Hinahanap Hanap Kita" na sina Hannah Ledesma, Pamu Pamorada, Geoff Eigenmann at Maja Salvador.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by TFC (The Filipino Channel) (@kapamilyatfc) on

Ang "Hinahanap Hanap Kita" ang unang iWant series ni Maja. Kinunan ang kabuuan ng mga eksena sa Dubai, UAE.

Kuwento ng Kapamilya actress, malapit sa kaniya ang bagong serye dahil sa kaniyang mga kamag-anak na naninirahan at nagtatrabaho ngayon sa UAE.

"Isa kasi sa rason kung bakit ko tinanggap dahil may mga kamag-anak rin ako doon (sa UAE) at alam ko 'yung kuwento nila at paghihirap nila kung ano ang pinagdaanan nila," tugon ni Maja sa press.

"Kaya noong ginawa ko 'to, noong andoon kami sa Dubai, yung character ko ipinagtanong ko sa mga pinsan ko roon kung may ganun ba talagang kuwento, ang sabi nga nila maraming ganun ang kuwento."

Ayon pa kay Maja, naramdaman rin niya ang lungkot sa sampung araw na nag-shoot sila sa Dubai para tapusin ang proyekto.

"Ako, ang hirap malayo sa pamilya ten days, so ano pa kaya 'yung mga totoong nagta-trabaho doon at ano pa kaya 'yung mga totoong nag-ta-trabaho doon at totoong malayo sa pamilya. Kaya nakaka bilib na 'yung mga kababayan natin doon na nakaya nilang lumayo sa pamilya para magbigay ng magandang buhay sa mga pamilya nila dito sa Manila."

Isa pa sa naging hamon para kay Maja ang limitado nilang kagamitan sa shoot para sa iWant series.

Hindi man naging madali ang pagbuo ng kanilang proyekto, aminado si Maja na sulit ang lahat ng kanilang pagod.

"Masaya, dahil walang nag diva, hindi diva si Pamu that time," pabiro ni Maja.

"Pero hindi, 'yung ten days na 'yun pagod pero sulit dahil ang gagaan ng mga kasama ng team Dubai," pahayag pa ng aktres.

Bahagi rin ng "Hinahanap Hanap Kita" sina Pepe Herrera, Prince Stefan at Malou De Guzman.

Mapapanood ang serye sa iWant simula Oktubre 5.